INSIGNIAS - kapirasong telang may sagradong nakasulat may ibat-iba ring hugis.
TALISMAN - may drawing na ibat - ibang hugis maaring nasa kahoy, metal na dinadala o tinatatak sa bato o sa bahay.
AMULET - mga medalla itong may nakasulat na mga letra at Gnosticong simbulo.
SCAPULAR - anting ng mga reliheyosa/relihiyoso ng simbahan na denedivosionan nila, ito'y kung anong santo o santa ang ibig nilang devosionan.
MUTYA - maaring bato, metal o buto maging kahoy na may extra ordinariong kalidad at nakuha sa kakatwang paraan at ito'y pambihira, maging ang antingong pera ay mutya na, charm sa ibang katawagan, ang wand maging bato, kahoy metal ay isang uri ng mutya.
AKLAT NG MGA ORASYON:
* ENCANTO DE DIOS - Kaballistic, Tigalpo
* FLOS SANCTURUM - Orasyon sa Kalikasan
* TRONCU DEL MUNDO - Pinagmulan ng mundo, Orasyon ng mga Propeta, Orasyon ng Infinito Dios.
* KARUNUNGAN NG DIOS - Mga lihim na kasaysayan ng buhay ni Jesus at kanyang mga alagad, Oraciones para sa ibat-ibang karamdaman.
* TESTAMENTO NI ADAN - Kasaysayan ng Simbahan at lahi ni Adan, mga lihim na pangalan.
* BOOK OF MOSES 6,7,8,9 - Karunungan sa TREASURE, Conjuration (conjuring of elementals)
* MARTYR OF GOLGOTHA - Lihim na kasaysayan ni Jesus at ng mga Biblical characters ng Bagong Tipan.
Note: Using oracion is adopted by the Filipinos during Spanish conquest, during 1521 its influence is not widely spread, oracion from Spanish Priest widely spread during their return to Philippines in 1565.
MGA AMULET o MEDALLION:
Tres Ojos, Mystic Eye, 7 Archangeles, Infinito Dios, Isis, Immaculada, San Benito, Agnus Dei, San Cristobal, Santiago de Galicia, St. Michael, Medalyong Encanto de Dios, Tetragrammaton, Seal of Solomon, Medalyong san Benito
ANG PAGGAMIT NG ORASYON:
* Dapat taglayin ang Medalya na nakabitin sa leeg o nalalagay sa katawan.Maaaring ilagay ang Medalya "Amulet o Talisman" sa mga pintuan ng silid o bahay, mayron ring nagbabaon sa semento o kinalalagyan ng bahay.
* Mabuti rin sa mga haligi ng bahay ito ilagay upang maging matatag ang bahay sa sigwa, pagkabulok at pagkagiba.
* Kung sa mgay sakit ay idadampi sa lugar na may karamdaman.
* Inilulubog sa tubig na iniinom ng mga hayop sa may sakit o maging sa tao.
* Sa may mga sakit sa isip maging sa mga sinasapian ito'y tinutubog sa tubig at binabanyos sa maligamgam na tubig.
* Pinapasuot ito sa mga dinadala at sinasapian ng masamang espiritu bilang pangontra.
* Ang Medalya ay hinahagkan kapag humihingi ng tulong o awa.
* Ang iba ito'y kinikiskis ng kamay upang ito'y dumaloy ang kapangyarihan - kaliwang kamay ang ginagamit na kapangyarihan nito.
* Ang medalya ay dapat na laging nakatago sa luob ng baro.
* Ito'y linalabas kung mayroong kapahamakang darating.
* Ang iba'y dinadala ang Amulet bilang GOOD LUCK CHARM at linalagay ito sa kanilang bulsa.
PANUNTUNAN:
* Huwag gagamitin ang power sa masamang paraan, ipagpaparanya o ipagyayabang, sapagkat kayo'y mapapahamak at maaring pagdusahan habang buhay.
* Paka-iingatan na huwag mahakbangan, paglalaruan at matapakan ang mga testamento at amulet.
* Huwag dadalhin sa bahay aliwan sapagkat itoy mawawalan ng bisa.
Source: master-of-tarot.blogspot.com